Dolomite beach, mananatiling sarado hanggang sa 2022 – DENR

Mananatiling sarado ang Manila Bay Dolomite beach hanggang sa unang quarter ng 2022, habang umiiral ang alert status sa Metro Manila dahil sa COVID-19.

Ito ang inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa harap ng gagawing mga rehabilitation sa mga darating na mga araw.

Kabilang dito ang paglilinis ng tubig sa Manila Bay upang maari na itong mapagliguan.


Pasisimulan na rin ngayong linggo ang Phase 2 ng Dolomite project o ang paglalagay ng mga geo- engineering interventions kagaya ng geotubes sa loob ng 360 meters area.

Gagawin na rin ang pagsasaayos ng mga fishing area malapit sa Manila Yacht Club.

Magkakaroon din ng maliit na beach area at playground para sa mga bata.

Inaasahang makukumpleto sa Disyembre ang dalawang “solar powered comfort rooms,” souvenir shop at isang Mandamus Office na itatayo sa gitna ng baywalk area para mangasiwa sa operasyon ng Manila Bay.

Facebook Comments