Dolomite beach, muling binuksan sa publiko

100

Binuksan nang muli sa publiko ang manila baywalk dolomite beach ngayong araw hanggang bukas, December 29.

Pero nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na kinakailangan munang magparehistro online isang araw bago ang kanilang pagbisita upang mapigilan ang overcrowding.

Kaugnay nito, inihayag ng DENR na hindi papayagan makapasok ang mga batang edad 11 pababa at maging ang mga alagang hayop.


Samantala, nagpapaalala ang ahensya na kailangan pa ring dalhin ang kanilang vaccination cards at ang pagsunod sa minimum health protocols.

Facebook Comments