Dolomite Beach sa Maynila, posibleng sa Disyembre na buksan

Posibleng sa Disyembre o sa susunod na taon na buksan muli ang Dolomite Beach sa Maynila.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Jonas Leones, tututukan muna ang rehabilitasyon sa lugar bago mapuntahan muli ng publiko.

Kabilang dito ang paglilinis ng tubig sa beach para maging ligtas nang languyan.


Maging ang pag-aayos sa mga drainage sa kalapit na lugar kabilang ang Padre Faura, Remedios at Abad.

Kasabay nito, nakatakda ring magtayo ang DENR ng outwall malapit sa dolomite garden kung saan nakapagtala ng mataas ng fecal coliform level.

Ngayong linggo, inaasahang magsisimula na ang phase 2 ng Dolomite Beach project.

Facebook Comments