Dolomite sand ng Manila Bay, hindi popondohan sa 2022

Wala nang pondong nakalaan para sa dolomite o white sand beach ng Manila Bay sa 2022.

Mula sa plenary deliberations para sa 2022 budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinabi ni Committee on Appropriations Vice Chair Teodorico Haresco sa pagtatanong ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na P1.6 billion ang inilaang pondo sa Manila Bay Rehabilitation and Development.

Hindi na kasama sa pondong ito ang para sa dolomite.


Ang P1.6 billion na pondo para sa Manila Bay rehab ay kasama rito ang P232 million para sa Meycauayan River; P74 million Pasig River system; Libertad Channel P50 million; solar power STP sa San Juan P225 million; temporary sanitation facilities P15 million; at waste to energy technology P123 million.

Kasama rin sa pondo ang P247 million para sa clean up water quality and improvement, P11 million para sa resettlement and rehabilitation, P11 million para sa protection and sustainment at P20 million para sa Baseco development and protection of mangrove area na P20 million.

Sakop din sa pondo ang rehabilitasyon sa mga ilog sa Region 3 at 4A na konektado sa Manila Bay.

Sa 2022 budget ay aabot sa P22.295 billion ang kabuuang pondo ng DENR.

Facebook Comments