Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang milyon-milyong pisong halaga ng proyekto para sa paglalagay ng dolomite sand sa ilang bahagi ng Manila Bay.
Sa Talk to the Nation ng pangulo kagabi, sinabi nito na kahali-halina sa paningin ang dolomite sand at wala nang dahilan na kailangan niyang ilatag.
Present din sa pulong si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu kung saan inilatag nito ang mga tagumpay ng ahensiya partikular na ang paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay.
Pagsuporta ni Cimatu kay Duterte, malaking bagay ang magagawa ng dolomite sand dahil napipigilan nito erosion at nagkakaroon ng kaluwagan sa dalampasigan.
Ang dolomite sand project ay una nang binatikos ng maraming sektor, environmental at fishing groups dahil anila, pinagtatakpan nito ang problema ng bansa sa populasyon.