Dolomite sand sa Manila Bay, kulang pa ayon sa DENR

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kailangan pang dagdagan ang mga dinurog na dolomite rock sa Manila Bay para sa beautification project nito.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ang naunang delivery ng dolomite ay kulang pa sa 500-meter area na lalagyan ng pekeng puting buhangin.

Aniya, 120 meters pa lamang ang nalalagyan ng buhangin kung saan nilinaw ni Antiporda na kasama na sa ₱389 milyon na pondo ang parating na mga dolomite rock.


Muli ring iginiit ng opisyal na walang idadagdag na gastos sa proyekto kaya’t huwag nang pag-isipan pa ng masama ang nasabing proyekto.

Dagdag pa ni Antiporda, ang kontraktor at Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang bahala kung saan kukuha ng mga idadagdag na dinurog na dolomite.

Hindi rin dapat mangamba ang publiko dahil ang mga contractor ang sasagot sakaling lumubog ang mga dolomite sand sa Manila Bay.

Facebook Comments