Friday, April 3, 2026

DOLPHIN NA NASAGIP SA CURRIMAO, ILOCOS NORTE, PUMANAW NA

Pumanaw na ang dolphin na nasagip mula sa baybayin ng Currimao, Ilocos Norte, limang araw matapos itong matagpuan at iligtas ng mga awtoridad.

Ayon kay Vanessa Abigail Dagdagan-Alimbuyuguen ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), namatay ang babaeng pantropical spotted dolphin na pinangalanang April-May habang ginagamot sa pansamantalang rehabilitation center.

Nagpahayag naman ng suporta ang Mariano Marcos State University, na sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor, ay magtatayo ng isang permanenteng pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga marine mammal sa loob ng anim na buwan.

Batay sa tala, ang baybayin ng Badoc-Currimao ang itinuturing na “hotspot” ng marine mammal strandings sa buong Pilipinas.

Paalala naman ng ahensya, kapag nakakita ng stranded na dolphin o balyena, huwag basta-basta hawakan at tumawag ng mga bihasang tagasagip upang maiwasan ang lalong pagkasugat o pagkamatay ng hayop. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments