Posibleng bumalik na sa pre-pandemic level ang domestic economy ng Pilipinas sa ikalawang quarter taon.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, unti-unti na kasing bumabalik ang consumer confidence at business activities matapos isailalim sa Alert Level 1 ang maraming lugar sa bansa.
Bukod dito ay tumaas din aniya ang consumer spending sa kabila ng inflation.
Dagdag pa ni Concepcion na ngayong tapos na ang halalan ay kailangan tutukan na ng gobyerno ang vaccination rollout ng booster shots, partikular ang ikalawang boosterdose para sa mga edad 50 pataas.
Samantala, iminungkahi rin ni Concepcion na kailangan tutukan ng bagong administrasyon ang pagbibigay ng tulong sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) upang mapanatili ang malakas na economic growth.