Inaasahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) na babalik sa pre-pandemic levels ang dami ng domestic flights ngayong Holy Week.
Ayon ito kay MIAA General Manager Ed Monreal, nasa 80 percent level na ngayon ng pre-pandemic figures ang naitatala sa domestic travel.
Tumaas din aniya ang inbound international flight sa 10,000 hanggang 15,000 kada araw mula sa dating 1,000 hanggang 5,000.
Kasabay nito, tiniyak ni Monreal na handa na sila sa pagtaas ng bilang ng mga biyahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Semana Santa.
Facebook Comments