Domestic Helper na International Photographer, Kinilala sa isang Resolusyon

Cauayan City, Isabela- Nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya upang kilalanin ang tubong bayan ng Bambang na isang 33-year-old International Photographer at Author ng isang libro na may pamagat na “WeAreLikeAir’ at isinapubliko ng kumpanyang ‘WE Press’ sa Hongkong.

Isang street documentary photographer na si Xyza Cruz Bacani na nakabase sa bansang Hongkong ang namamayagpag ngayon sa larangan photography, subalit isa rin pala itong Domestic Helper habang pagsapit naman ng gabi ay kumukuha ito ng larawan mula sa iba’t ibang mukha ng buhay ng tao sa Hongkong.

Nagpapakita rin ito ng magandang halimbawa na may isang Filipino na talentado ang nababalanse pa rin ang trabaho at kanyang obra.


Dahil dito, nag-akda ng resolusyon si Board Member Eunice Galima-Gambol, Chairman ng Committee on Tourism para magpasa ng isang resolusyon na kahalintulad sa House of Representatives para bigyang pagkilala si Bacani sa kanyang tagumpay sa Photography.

Una na itong ipinakilala sa mababang kapulungan sa pangunguna ni Representative Eric Olivarez.

Ginagamit ni Bacani ang kanyang trabaho upang itaas ang kamalayaan sa mga ilang kwento na hindi naibabalita sa publiko, at ang pagkilala rin sa kanya ng iba’t ibang international award-giving bodies at pagsasapubliko naman sa iba’t ibang photo exhibit mula sa kanyang mga obra maging ang pag-feature din nito sa isang kilalang Coffee Shop na ‘Daily Grind’ sa Hongkong.

Si Bacani ay nag-aral ng kursong Nursing bago ito umalis ng Pilipinas sa edad na 19 upang mangalap ng pagkakakitaan para sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid.

Facebook Comments