Domestic helper, nanguna sa pinakamaraming bakanteng trabaho sa bansa

Nangunguna sa listahan ng limang pinakamaraming bakanteng trabaho sa buong bansa ang domestic helper na may halos 6,000 available na posisyon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 16,421 bakante ang available sa buong bansa nitong October 16 hanggang 20.

Sa 5,761 na bakanteng domestic worker, karamihan ay nasa Santa Cruz, Davao del Sur, Tagum City, Davao del Norte, at Ormoc City, Leyte.


Samantala, ang iba pang in-demand na posisyon ay call center agent, executive assistant, at customer service assistant.

Facebook Comments