Domestic, international flights, at local sea travel, magpapatuloy ngayong GCQ ayon sa DOTr

Tuloy-tuloy pa rin ang biyahe ng mga international at domestic flight, kasama rin ang local sea travel sa bansa habang umiiral ang General Community Quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila.

Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr).

Subalit, sinabi ng DOTr na may kwalipikasyon ito na susundin kung sinong mga pasahero ang pasasakayin.


Ayon kay DOTr Secretary Tugade, susundin nila ang mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung sino ang pwede lumabas, tulad ng Authorized Persons Outside Residence (APOR), nagdadala ng essentials, at mga Locally Stranded Individual (LSI).

Pero ito ay may koordinasyon sa Local Goverment Units (LGUs) na patutunguhan ng pasahero dahil may sariling panuntunan din na ipinatutupad ang iba’t ibang LGU sa bansa.

Kailangan pa rin aniya ng mga kaukulang dokumento kung sasakay ng eroplano at barlow tulad ng travel pass, health certificate at certificate of acceptance mula sa LGU.

Facebook Comments