Iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sa buwan ng Agosto nakapagtala sila ng Domestic traffic na 109% o katumbas ng 1.94 million na mga pasaherong bumiyahe sa iba’t ibang lalawigan.
Ayon sa MIAA, patuloy rin ang pag-recover ng international travel kasabay ng pagluluwag ng travel restrictions ng Japan at South Korea.
Pinapayuhan naman ng MIAA ang mga biyahero na alamin sa kanilang airlines ang entry requirements sa kanilang pupuntahang destinasyon.
Pinaghahandaan na ngayon ng MIAA ang pagdagsa ng mas malaki pang volume ng mga pasahero ngayong Undas at sa holiday season.
Facebook Comments