Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa Women and Children Protection Center (WCPC) at Anti-CyberCrime Group (ACG) na gumawa ng mga hakbang upang matigil na ang domestic violence sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Eleazar, masyadong kumplikado ang isyu ng domestic violence dahil nangyayari ito sa loob ng tahanan na kung saan off-limits na ang mga pulis.
Dahil dito, gumawa sila ng paraan para makapagsumbong ang mga biktima ng domestic violence, ilan na rito ang tinatawag na E-Sumbong kung saan mas pinadali ang paghingi ng tulong at pagrereklamo dahil kahit sa mismong Facebook platform ay makakahingi ng tulong.
Bukod dito, gagamitin din ng PNP ang mga social media accounts para magbigay ng paalala, payo at kung ano ang mga dapat gawin para sa mga biktima ng domestic violence.
Himok ni Eleazar na pagkatiwalaan ang PNP sa isyung ito. Dagdag nito’y ‘walang mang-aabuso, kung walang magpapa-abuso’.