Dominic Roque, idinaan sa social media ang pagiging proud kay Bea Alonzo

151

Proud na inilagay ni Dominic Roque sa kaniyang Instagram stories ang rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

Sa kaniyang Instagram stories, makikitang sunod-sunod ang mga larawan ni Bea ang ibinabahagi ng aktor.


Ilang fans naman ang kinilig sa kanilang pagiging sweet pero hanggang sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon.

Noong nakaraang taon nang unang mapabalita na mag-on na ang dalawa dahil na rin sa larawan na ibinahagi ni Dominic sa kaniyang social media.

Facebook Comments