Dominique Roque, nagbigay ng clue sa tunay na namamagitan sa kanila ng aktres na si Bea Alonzo

Isa na namang clue ang ibinigay ng 30- year-old actor na si Dominic Roque, na lalong nagpalakas sa hinalang may namamagitan sa kanila ng 32- year- old actress na si Bea Alonzo.

Sa Instagram post ni Dominic, makikita ang larawan ng isang babae at isang lalaki na nakaupo sa tila ramen restaurant, at may caption pang tila ako’y nabighani.

Mapapansin ang lalaki na nakasuot ng black t-shirt na may malapad na horizontal red stripe sa gitna habang naka-black blazer naman ang babae, na may suot na gold bracelet o watch.


Dito umugong ang espekulasyon na si Dominic at Bea nga ang nasa picture.

Nabatid na noong November 2019, nag-post ang aktor sa Instagram ng larawan ng biyahe niya sa Tokyo, Japan , kasama si Bea at isang katrabaho mula sa Star Magic na tugma naman sa mga outfit na suot ng dalawang tao sa recent post ni Dominic.

Matatandaang, umugong din ang kanilang umano’y relasyon dahil sa pagdalo ng aktor sa baby shower na inorganisa ng aktres para sa girlfriend ng kaniyang kapatid.

Facebook Comments