Manila, Philippines – Posibleng tumaas pa ang inflation o pagtaas presyo ng mga bilihin at serbisyo sa buwan ng Hulyo.
Base sa Department of Economic Research ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tinatayang papalo mula 5.1% hanggang 5.8% ang inflation.
Paliwanag ng BSP, resulta ito ng pagmahal ng singil ng kuryente at tubig na magdudulot ng ‘domino effect’ sa iba pang bilihin at serbisyo.
Naniniwala rin ang mga ekonomista ng central bank na nakaapekto sa inflation nitong Hulyo ang jeepney fare hike, nakatakdang pagtaas ng excise tax sa tobacco, mataas na presyo ng bigas at iba pang agricultural commodities.
Patuloy na babantayan ng BSP ang paggalaw ng inflation.
Nabatid na umabot sa 5.2% ang inflation nitong Hunyo.
Facebook Comments