Manila, Philippines – Kasunod ng pagkaubos ng NFA rice sa mga palengke sa Metro Manila, tumaas na ng dalawang piso ang kada kilo naman ng kanilang commercial rice.
Sa Kamuning market, pinakababang presyo ng commercial rice ngayon ay nasa 38 pesos kada kilo at 60 pesos naman ang pinakamataas.
Dati ay nasa 34 pesos lamang ang kada kilo ng pinakamurang commercial rice at naging 38 pesos ng magsimulang mag taasan ang presyo ng bigas bago matapos ang taon noong 2017.
Bunsod nito, nakatakda naman maglagay ang Department of Trade and Industry ng Suggested Retail Price sa bigas.
Facebook Comments