Don Marcelino sa Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Davao Occidental – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Don Marcelino sa Davao Occidental, alas 3:23 kaninang hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 113 kilometers.

Naitala naman ang intensity 2 sa General Santos habang intensity 1 sa Alabel, Sarangani.


Wala namang inaasahang aftershocks at pinsala ang lindol.

Facebook Comments