Donaire-Inoue rematch, posibleng mangyari na sa Abril

Posibleng mangyari sa Abril sa Japan ang rematch sa pagitan nina bantamweight champions Naoya Inoue at Nonito Donaire.

Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, kailangan munang palipasin ang mahigpit na travel restrictions na ipinapatupad ng Japanese Government para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 duon.

Aniya, nakasalalay din ito sa Japanese Government kung ang laban sa pagitan ni Inoue na may hawak ng IBF, WBA, at Ring Magazine titles, at WBC champion Donaire ay mangyayari sa kanilang bansa.


Dagdag pa ni Arum, wala rin masyadong magagawa ang Japanese promoters na sina Hideyuki Ohashi at Akihiko Honda para maaprubahan ang naturang laban.

Facebook Comments