DONASYON | Mga smuggled na bigas na naharang ng BOC, ido-donate sa mga nasalanta ng bagyong Ompong

Manila, Philippines – Nasa kabuuang 7 libong sako ng mga smuggled na bigas ang inihanda ng Bureau of Customs nitong weekend upang ipamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Ompong sa Northern Luzon.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang mga bigas na ito ay una nang naharang sa Port of Cebu.

Dagdag pa nito, bukod sa mga bigas, ipaadala rin nila sa DSWD ang iba pang food items na misdeclared o ‘yung mga ipupuslit papasok ng bansa na naharang ng Customs sa mga pantalan.


Sa ilalim ng Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang mga bigas at iba pang mga nakumpiskang goods ay maaaring i-donate sa iba pang government agency sa oras na aprubahan ng Secretary of Finance.

Facebook Comments