Iginiit ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na isama na rin ang gatas sa ipamimigay na tulong para sa kalusugan ng mga sanggol.
Sinabi ni dating LCSP president Atty. Ariel Inton na gatas ang laging hinahanap ng mga nanay sa tuwing namimigay ang commuters group ng ayuda sa ibat-ibang mga lugar.
Ito, aniya, ang dahilan kung bakit isa sa prayoridad na ibigay ngayon ng mga volunteers ng LCSP ay ang gatas para sa mga paslit.
Paliwanag ni Atty. Inton, bagama’t may relief goods ang bawat LGUs pero nakakalimutan at walang pumapansin sa gatas na pangunahing pangangailangan para sa nutrisyon ng mga sanggol o mga bata.
May mga lugar na rin umano sa ibang mga probinsya na kahit pa mayroong pambili ay pahirapan na rin ang suplay sa mga tindahan.