Donasyon ng China na medical equipments,nai-turn over na sa DFA

Nai-turn over na sa gobyerno ng Pilipinas ang medical supplies na donasyon ng China.

Mismong si Foreign Affairs Secretay Teddy Boy Locsin ang tumanggap sa mga donasyon mula kay China Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Kabilang sa mga donasyon ng China sa Pilipinas ang 100,00 testing kits (with primers) para sa COVID-19.


Bukod pa dito ang 10,000 na piraso ng N95 masks, 10,000 PPEs o Personal Protective Equipments at 100,000 surgical masks.

Nakatakda namang i-turn over ng DFA ang mga donasyon sa Dept of Health (DOH).

Facebook Comments