Donasyon ng UAE na 100,000 doses ng Sinopharm, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa bansa kahapon ang 100,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinopharm.

Donasyon ito ng United Arab Emirates (UAE) sa Pilipinas.

Alas-2 ng hapon kahapon, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA Terminal 3) ang mga bakuna ng Sinopharm na gawa ng China.


Sinalubong ito ni Dr. Maria Soledad Antonio ng Bureau of Health Cooperation ng Department of Health (DOH) at mga kinatawan ng National Task Force Against COVID-19.

Nabatid na una nang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na balak ng UAE na makapag-donate ng 500,000 bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments