Donasyon para sa frontliners sa Maynila, bumubuhos

Nadagdagan pa ang mga donasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila mula sa mga pribadong sektor sa gitna narin ng ipinatutupad na enhanceed community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Manila PIO, kabilang sa mga nag-donate at nangakong magpapaabot ng tulong ang Philippine Red Cross, National Headquarters na magkakaloob ng 25,200 na piraso ng surgical face mask

Ang Grab Philippines ay Nagpapahiram ng 12 electric scooters na maaaring magamit ng frontliners papasok sa trabaho ng mga health workers.


Ang kumpanyang Rebisco ay magbibigay ng biscuits para sa 6 Public hospitals, Manila Police District at sa pamahalaan ng Lungsod ng Maynila

Samantala ang Diamond Hotel magbibigay din ng Pagkain para sa staff ng Ospital ng Maynila, MDSW, at sa mga pulis.

Nangako naman ang DILG Central Office ng pagkain para sa mga indigents sa Maynila.

May donations din ng rubbing alcohol ang isang negosyanteng nagngangalang Kevin Tan.

Mayroon ding 70 food packs mula Manila Hotel.

Nangako din ang kumpanyang Fruitas na magpapadala ng Supply ng buko juice sa mga ospital, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at MPD.

Idagdag pa dito ang mga hotels at motels sa Maynila na nagpapahiram ng libreng mga kwarto para sa mga health workers at iba pang mga front liners.

Facebook Comments