Donasyon para sa mga apektado ng COVID-19, dumagsa sa Cainta, Rizal

Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga iba’t-ibang donasyon mula sa mga indibidwal at private companies na tumulong sa mga mahihirap na residente na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Cainta, Rizal.

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto sa mga good Samaritan na indibidwal at private companies na walang sawang tumulong simula ng nagkaroon mg COVID-19 sa Cainta, Rizal.

Iniisa-isa ni Mayor Nieto ang mga tumulong na dumating sa kanyang tanggapan kabilang ang mga cash na ₱50,000 mula sa kanyang mga kakilala, anim na boxes na powdered milk, 100 pirasong diapers, 165 pirasong doughnuts, 25 pirasong face shield at 200 pakete ng sliced bread.


Binigyan ng pag-sa ng alklade ang kanyang mga kababayan na manatiling matatag at labanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng dasal at huwag lumabas sa kanilang tahanan dahil gumagawa ng paraan ang Lokal na Pamahalaan upang matustusan ang kanilang pangangailangan araw-araw partikular na tinukoy nito ang pagkain ng mga residente ng Cainta, Rizal.

Facebook Comments