Donasyon para sa mga sugatang sundalo at pamilya ng mga namatay na sundalo noong Marawi Siege naipamigay lahat ayon sa AFP

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na naibigay ng maayos ang lahat ng donasyong kanilang nalikom para tulong sa mga sugatang sundalo at mga pamilya ng mga namatay na sundalo nang mangyari ang Marawi Siege.

 

Sa ulat ng Commission on Audit out of 274 million pesos na nalikom na donasyon ng AFP, 251.72 million pesos lamang ang naireport ng AFP  sa COA na naipamigay na.

 

Paliwanag ni AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo ang sinasabing halaga ng COA na naibigay sa mga sundalong sugatan at pamilya ng mga nasawing sundalo  ay sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo lamang.


 

Ang nalalabing halaga ay ipinamahagi sa  iba pang mga Unit ng AFP tulad ng Air Force, Navy, Army at sa mga Command Unit tulad na lang ng WESMINCOM o Western Mindanao Command.

 

Aminado naman si Arevalo na kailangang may baguhin sa pulisiya ng AFP sa pagbibigay ng tulong sa mga sundalong nasusugatan o namamatay sa gyera.

 

Sa ngayon kasi walang policy o guidelines ang AFP sa pamimigay ng tulong mula sa donasyon.

 

Tanging pulisiya mayroon sila ay ang tulong na ibinibigay sa mga sundalong sugatan at namamatay na ang pondo ay mula mismo sa gobyerno.

Facebook Comments