Donasyong bakuna ng US, makakatulong para sa pagpapabilis ng vaccination program at pagkamit ng population protection sa bansa

Umaasa si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na mapapabilis ang vaccination program ng pamahalaan at pagkamit ng “population protection” ng bansa dahil sa donasyong bakuna mula sa Estados Unidos.

Ang US ay magbibigay sa Pilipinas ng 7 million doses ng AstraZeneca, kabilang din ang iba pang mga bansa sa Asya.

Ikinalulugod ni Rodriguez ang desisyon ng Estados Unidos na mag-donate na ng bakuna sa bansa sa paniniwalang ito ay magiging daan para mas mapatatag ang diplomatic relationship ng America at Pilipinas.


Magbibigay rin aniya ito sa mga Pilipino ng mas maraming bakuna na mapagpipilian gayundin ay maitaas nito ang vaccine supply ng bansa.

Dahil sa donasyong bakuna ng US, sinabi ni Rodriguez na dapat sabayan na rin ito ng mabilis na vaccine rollout upang mas madaling makamit ang herd immunity.

Isasakatuparan naman ang donasyon sa pamamagitan ng vaccine-sharing facility ng World Health Organization (WHO) para sa pantay na distribusyon ng bakuna.

Facebook Comments