Donasyong bakuna ng US, welcome sa DOH

Nagpapasalamat ang Department of Health (DOH) sa Estados Unidos sa desisyon nitong mag-donate ng sobra nilang supply ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas at iba pang bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang tiyak na petsa kung kailan darating ang vaccine donations sa Pilipinas.

Aniya, nakikipag-coordinate na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil dito.


“Hanggang sa ngayon wala pa naman pasabi sa atin kung ilan ang ating matatanggap at kung kailan. So magbibigay po tayo ng impormasyon as soon as we get those details,” ani Vergeire.

Magugunitang ibibigay ng Estados Unidos ang nasa 80 milyong vaccine doses nito sa buong mundo sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ang unang pitong milyong doses ay ibibigay sa ilang bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas.

Facebook Comments