Donasyong bigas ng NFA, sa mga ‘bakwit’ dahil sa pagputok ng bulkang Taal umabot na ng 2,000 bags

Tiniyak ng National Food Authority na may sapat na stocks ng bigas ang lahat ng kanilang mga warehouses sa Region 4-a sa harap ng patuloy na pag-aalburuto ng Taal Volcano.

Pinangunahan mismo ni NFA administrator Judy Carol Dansal ang pag- turn-over ng inisyal na isanlibong bag ng bigas bilang donasyon ng ahensya para sa mga bakwit na nasa ibat-ibang mga evacuation centers sa Batangas.

Sinabi ni Dansal na pagbuga pa lamang ng abo ng bulkang taal noong January 12, agad nang nagpulong ang NFA council para aprubahan ang pamimigay ng dalawang libong bags ng bigas na magagamit ng gobyerno sa tuloy-tuloy na relief operations.


Ayon pa sa NFA, handa ang ahensya na magbigay ng dagdag pang ayudang bigas hanggat mayroong mga evacuees na kailangan tulungan dahil sa panganib na muling pagputok ng bulkang taal.

Facebook Comments