Tiniyak ng Malacañang na walang magiging epekto sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) ang 100,000 doses na donasyong COVID-19 vaccines ng China para sa Department of National Defense (DND).
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ang usapin sa COVID-19 vaccines at isyu sa WPS ay magkaibang bagay.
Matatandaang inanunsyo ni Roque ang karagdagang 100,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng China para sa mga sundalo.
Bukod pa ito sa orihinal na 500,000 doses na nakalaan naman para sa medical frontliners.
Inaasahang darating sa bansa ang kabuuang 600,000 doses ng Sinovac vaccines ngayong Pebrero 23.
Facebook Comments