Donasyong Sinopharm vaccines, hindi pa ibinabalik sa China – Malacañang

Hindi pa ibinabalik sa China ang mga donasyong Sinopharm COVID-19 vaccines.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang mga bakuna dahil sa wala pa itong regulatory approval mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaayos pa ang logistics bago ibiyahe pabalik ang mga bakuna sa donor.


Pero ikinalugod naman ni Roque ang pagbibigay ng World Health Organization (WHO) ng emergency approval sa Sinopharm vaccines.

Umaasa si Roque na ang pag-endorso ng WHO ay mapapabilsi ang application para sa emergency use ng Chinese vaccine sa bansa.

Magugunitang naturukan na si Pangulong Duterte ng unang dose ng Sinopharm vaccine.

Facebook Comments