Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na dumating sa bansa mula China ay walang kinalaman sa anumang geopolitical issue sa South China Sea.
Ayon kay Pangulong Duterte, patuloy pa ring itinataguyod ang independent foreign policy.
Pero aminado ang Pangulo na nangako ang siya sa China na hindi niya hahayaan ang Estados Unidos na maglagak ng anumang nuclear weapons sa Pilipinas.
Aniya, nakasaad na sa Saligang Batas na ipinagbabawal ang anumang presensya ng nuclear armaments sa bansa.
Ang Pilipinas ay planong makipagnegosasyon muli sa Estados Unidos para talakayin nag Visiting Forces Agreement (VFA) matapos ipag-utos ng Pangulo na ipawalang bisa ang kasunduan.
Una nang nanindigan ang Estados Unidos na ipinapairal lamang nila ang freedom of navigation sa South China Sea kahit nagiging agresibo ang China lalo na sa pagpasa nito ng Coast Guard Law.