Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi maaring ipaskil, i-imprinta, ilathala o isahimpapawid ang mga donated political advertisements na walang written acceptance mula sa ikinakampanyang kandidato.
Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia – nakasaad sa Section 4 ng Republic Act 9006 o Fair Election Act na lahat ng print, broadcast o outdoor advertisements na donated sa isang kandidato o political party ay hindi dapat ilabas o isapubliko na walang written acceptance.
Mahalagang may “acceptance” mula sa mga kandidato ang donated ads para hindi nila sabihing wala silang kinalaman dito at hindi rin nila maiiwasang ideklara ito sa kanilang campaign expenditures.
Ani Guia, ang paglabag sa batas ay may kaakibat na election offense.
Matatandaang nagsimula na ang poll body na magdokumento ng unlawful campaign materials ng senator candidates at party-list groups na tumatakbo ngayong midterm elections.