Manila, Philippines – Iminungkahi ni National Defense and Security Vice Chairman Ruffy Biazon sa pamahalaan na isailalim sa testing ang mga armas na ibinigay ng China sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Ito ay upang matiyak na nasusunod ang standards na itinatakda sa ginagamit na armas ng mga sundalo sa bansa.
Paliwanag ni Biazon, ang testing sa mga armas ay para na rin sa interes ng AFP upang matiyak na ang mga donated firearms ng China ay epektibo at ligtas gamitin ng militar.
Hindi dapat makompromiso ang pakikipaglaban ng mga sundalo sa oras na gamitin ang mga donated firearms ng China.
Ilan sa mga test na titingnan dapat sa mga donasyong armas ay ang accuracy, endurance sa anumang harsh condition, reliability kahit pa sobrang gamit, compatibility sa mga regular na suplay na bala at available na spare parts sa bansa.