Donation drive, isinagawa ng mga pulis sa Metro Manila para sa mga nabiktima ng Bagyong Odette

Nagtutulungan na ngayon ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para tumulong sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Ayon kay PNP Spokesman PCol. Roderick Alba, naglunsad na ng donation drive ang mga opisyal ng PNP sa Metro Manila para makalikom ng pondo.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa iba’t ibang stakeholders para sa paghahatid ng tulong.


Inspirasyon umano ng PNP ang programa ng National Capital Region Police Office na, “Serbisyong Tama: Tapat, may tapang at malasakit para sa sambayanang Pilipino”.

Umaasa naman si Alba na magkakaroon din ng inisyatibo ang mga police unit sa ibang lugar para tumulong din sa mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments