“No pets left behind”, yan ang mga katagang laging kumukurot sa ating mga puso sa tuwing humaharap tayo sa mga sakuna dulot ng matinding bagyo at pagbaha kung saan kinakailangang lumikas.
Dito ay pinatutunayan ng mga pet owners na parte ng pamilya ang mga alagang hayop kaya naman kasama nila ang mga ito sa tuwing mapapasabak sila sa matinding unos.
Sa bayan ng Calasiao, pinatunayan din ng iba’t ibang institutions ang pagpapahalaga sa mga alagang hayop kaya naman nagsagawa sila ng Call For Donation para makakalap ng pondo pangbili ng mga pangangailangan ng mga alagang hayop gaya ng pagkain, leash, cages, at iba pa.
Ayon kay Cedrick Zulueta ng Katalyst Clan – VMUF na siyang nanguna sa programang ito, layunin nilang makapag handog ng pagkain sa mga aso’t pusa na nasalanta ng bagyo upang maibalik ang tamang nutrisyon ng mga ito.
Matagumpay ang naturang programa na isinagawa kahapon, August 01 kung saan katuwang rin nila ang Calasiao Comprehensive National High School 4H Tatag at Calasiao Comprehensive National High School Visionary Leaders Club Unesco. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









