Bukas ang bayan ng Agno sa mga donasyong pagkain, gamot at kagamitan matapos ang matinding pinsalang idinulot ng Bagyong Emong.
Ikinasa ng lokal na pamahalaan ang panawagan ng donasyon para sa ilang pangunahing pangangailangan tulad ng monetary amount, grocery items, hygiene kits, gamot, banig, kumot at unan para sa mga apektadong residente.
Ilang establisyemento at pampublikong opisina ang nagpaabot na ng donasyon kabilang ang nasa 600 sako o katumbas ng 20,000 kilos ng bigas.
Isa ang Agno sa mga lubhang napuruhan ng bagyo sa Western Pangasinan at nananatiling walang suplay ng kuryente ang kabuuang 17 barangay base sa Pangasinan 1 Electric Cooperative.
Patuloy din ang pagtukoy sa kabuuang lawak ng pinsala ng bagyo sa bayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





