DONATION DRIVE SA MGA NASALANTA SA LA UNION, INILUNSAD

Inilunsad ng ilang lokal na pamahalaan at non-government organizations na nakabase sa La Union ang Donation Drive upang masaklolohan ang mga lubhang apektadong residente sa lalawigan.

 

Habang patuloy ang ikinakasang relief operation sa bawat bayan, nanatiling limitado ang cellular service sa lalawigan at isinasaayos pa ang linya ng kuryente sa malaking bahagi ng La Union.

 

Ayon sa isang mambabatas, posibleng pumalo sa P1 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura , imprastraktura at nawasak na kabahayan dahil sa bagyong Emong na hinalintulad sa Hagupit ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

 

Naging dahilan din ng matinding pinsala sa mga kabahayan sa mga coast at low-lying barangays ang deklarasyon ng State Of Calamity.

 

Samantala, isinailalim din ng Sangguniang Panlungsod ng San Fernando City ang kabisera sa State of Calamity dahil sa malawakang pinsala kabilang ang mga nasirang pasilidad ng ilang government regional offices na matatagpuan sa lugar.

 

Ilan sa mga kagamitan na higit kinakailangan ngayon ay ang damit para sa lahat ng edad, cleaning materials, food and cooking supplies tulad ng de lata, mantika, kape, potable water at kagamitan para sa muling pagtatayo ng bahay.

 

Ilang pribadong samahan at ahensya ng gobyerno na ang bumisita sa iba’t-ibang panig ng lalawigan upang maghatid ng hot meals, maiinom na tubig ,maging charging stations sa ilang establisyimento.

 

Sa ngayon patuloy na tumatanggap ng donasyon ang lungsod na maaaring ipadala sa Rang-Ay bank account, opisina ng City Treasury, at City Disaster Risk Reduction and Management. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments