“Dondon” Hontiveros, may hamon sa mga atleta ng Palarong Pambansa

Photo Courtesy: Vinz Abcede Betonio

Nasurpresa ang mga batang atleta nang makita nila  ang isang PBA player at sports advocate na si Donald “Dondon” Hontiveros sa ginanap na kauna-unahang “Sports Heroes Day” ng Palarong Pambansa.

Hindi akalain ng mga batang basketbolista na makakasama ang isa sa sikat at mahusay na manlalaro sa larangan ng basketball.

Ayon sa DepEd, layun nito na mas mabuhay ang derteminasyon at hilig ng mga Pilipino sa basketball.


Hamon ni Dondon Hontiveros, huwag susuko sa kanilang parangarap at gawing inspirasyon ang mga magulang kaanak kaibigan at guro.

Ayon kay Hontiveros, dumaan din siya sa pagsubok kung saan sinasabing wala siyang mararating.

Si Dondon Hontiveros ay dating miyembro ng Gilas Pilipinas, manlalaro ng Alaska at ngayon ay sports advocate ng Philippine Sports Commission o PSC.

Facebook Comments