Friday, January 23, 2026

DONG CALUGAY, NAIPROKLAMA NA BILANG ALKALDE NG SUAL

Sa kabila ng samu’t-saring isyung kinakaharap ni Sual Mayor Dong Calugay ay nakakuha at nanguna pa rin ito sa bilangan ng boto sa katatapos na National and Local Elections.

Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) Sual ang kanyang pagkapanalo bilang re-elected Mayor ng bayan ng Sual.

Nakakuha si Calugay ng botong 16, 165 laban sa katunggali nito na si Incumbent Alaminos City Councilor Arthur Celeste Jr. na nakakalap ng 12, 188 na boto.

Sa facebook page ni Mayor Calugay, nagbigay pasasalamat ito sa mga Sualinians sa kanilang tuloy-tuloy na suporta.

Si Calugay ay dating na link Kay dating Bamban Mayor Alice Guo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments