Donita Rose, nagtatapon ng basura at napupunas din ng lamesa kahit chef na sa Amerika

335

Kahit isang nang corporate chef sa US, wala raw isyu kay Donita Rose kahit gawin niya ang iba pang trabahong hindi na sakop ng trabaho niya sa Island Pacific Supermarket.

Ang nasabing supermarket ay pagmamay-ari ng Filipino businessman na si Niño Jefferson Lim, asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.


Kwento ng Filipino-American actress, nagugulat ang mga Pinoy sa US kapag nakikita nilang siya ang naglalabas ng basura o nagpupunas ng mga lamesa sa restaurant.

Aminado si Donita na mahirap ito ‘physically’ pero gusto niya ang kanyang ginagawa.

Samantala, masaya rin ang aktres sa pagpo-promote ng modern Filipino cuisine sa 15 sa restaurant branches ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.

Nabatid na isa si Donita sa mga artistang naapektuhan ng pandemya na nagtulak sa kanyang lisanin ang Pilipinas para magtrabaho sa Amerika.



Facebook Comments