Donna Cruz, may kondisyon sakaling bumalik siya sa pag-aartista

Manila, Philippines – Wala pang plano si Donna Cruz na bumalik sa pag-aartista.

Pero say ng dating aktres, babalik lang siya sa paggawa ng pelikula kung magkakaroon ng remake ng “Do-Re-Mi,” at kung muli niyang makakasama ang mga kaibigang sina Regine Velasquez at Mikee Cojuangco.

Ang original na musical comedy film Do-Re-Mi ay ginawa ng tatlo noong 1996, kung saan din nabuo ang kanilang pagkakaibigan.


Muli silang nagsama-sama sa 30th anniversary concert ni Regine na ginanap noong nakaraang buwan sa MOA arena.

Facebook Comments