Nadismaya ang vlogger at influencer na si Donnalyn Bartolome matapos hindi magbayad ang isang content creator na umutang sa kaniya ng isang milyon.
Sa mga screenshot na ibinahagi ni Donna, mababasa rito ang conversation ng unnamed vlogger na nanghiram ng isang milyon sa kanya upang gamitin sa show money para makabili ito ng kotse.
Ayon kay Donna, bigong magbayad ng utang hanggang July 1 ang naturang creator at sinabing na-scam siya ng P4 million.
Nag-sorry naman ang creator at nag-offer na babayaran ang kaniyang utang sa pamamagitan ng installments, monthly earnings at hawakan ang kaniyang email at YouTube account.
Kasabay nito, nagpahayag si Donnalyn na kahit ano pang halaga sa mundo ay walang katumbas kung mawawala ang tiwala sa isang tao.
Facebook Comments