Donning of rank ni Presidential Security Group Commander Ramon Zagala personal na pinangunahan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang donning of rank ng Presidential Security Group (PSG) commander kahapon.

Mismong ang pangulo ang nanguna sa paggawad ng one star sa balikat ng kaniyang PSG commander.

Ito ay sa katauhan ni ngayo’y Brig. Gen. Ramon Zagala na kabilang sa 21 senior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nai-promote sa next higher rank.


Maliban sa naging tagapag-salita ng AFP bago italagang PSG commander ay nagsilbi din si Zagala bilang aide-de-camp ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Si Zagala ay isang certified VIP protector at maituturing na hindi na bago sa PSG.

Napag-alamang humawak ito ng iba’t ibang posisyon sa PSG nuong kanyang junior years gaya ng executive officer mula 1997 hanggang 2000 ng dating 1st Light Armor Company na ngayon ay 5th Cavalry Company na.

Ilan naman sa mga 21 senior AFP officials na nakasabay ni Zagala na mai-promote sa next higher rank ay sina Brig. Gen. Antonio Z. Francisco Jr., Acting Commander; Air Base Development Command Brig. Gen. Onie D. Petinglay; Wing Commander ng Air Defense Command at Philippine Air Force Chief Lt. Gen. Stephen Parreño na nakuha ang kanyang 3 star rank na iginawad naman ni AFP Chief Gen. Andres Centino sa isang seremonya sa Kampo Aguinaldo.

Facebook Comments