Pagbirong sinabi ng aktor na si Donny Pangilinan na pwede naman si Awra Briguela ang maging ka-loveteam niya kung bibigyan siya muli ng katambal.
Ito ay matapos mabuwag ang “DonKiss”, ang tandem nila ng aktres na si Kisses Delavin.
Aniya, bukas naman siya kung sino ang ibibigay sa kanya na maging ka-loveteam.
Say pa ng aktor, depende din kung anong istorya ang gagawin nila.
Pero sa ngayon, hindi niya muna iniisip ang mga posibleng magiging katambal niya dahil masaya siya sa mga blessings at opportunities na natatanggap niya.
At sa huli, sinabi din ni Donny, magfo-focus muna siya sa mga projects na ginagawa niya lalo na sa pelikula nila ng mag-kaloveteam na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ngayong buwan ng puso.
Facebook Comments