Pinapayagan ang ‘door-to-door’ na pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+.
Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, nasa pagpapasya na ng Local Government Units (LGUs) kung anong pamamaraan ang gusto nilang gawin para maipamahagi ng mabilis ang ayuda.
Ang door-to-door delivery ng cash aid ay isa sa mas madali at ligtas na option para sa mga resident ng NCR Plus sa harap ng health crisis.
Nabatid na nahihirapan ang barangay officials na ipatupad ang health protocols dahil sa libu-libong benepisyaryo, lalo na sa physical distancing at pagkuha ng cash assistance.
Facebook Comments