Door-to-door supplemental immunization, ikinakasa ng DOH-ARMM!

Puspusan ngayon ang supplemental immunization activity ng Deprtment of Health-ARMM.

Sinabi ni DOH-ARMM Sec. Dr. Kadil Sinolinding, nagsimula ang kanilang door-to-door supplemental immunization activity noong pang Mayo 9, 2018.

Sa anunsyo ni Sec. Sinolinding, magtatagal ito hanggang sa June 18, 2018 bilang tugon sa measles outbreak sa rehiyon.
Ang Ligtas Tigdas immunuzation campaign ay para sa mga batang edad 6-59 na buwan.
Kaugnay nito, hinihikayat ng kalihim ang lahat na maki-isa, makilahok at makialam sa Ligtas Tigdas campaign, dahil ito ay para sa kapakanan ng mga paslit.
“Ang tigdas ay nakakamatay, sa pamamagitan ng pagbabakuna, makakasiguro tayo na sila ay ating maliligtas sa kamatayan,” pagdidiin ni Sec. Sinolinding.


Facebook Comments