DOS PNP 24/7 kontra sa banta ng terorismo

Puspusan pa rin ngayon ang ginagawang pagbibigay seguridad ng Datu Odin Sinsuat PNP sa kanilang buong nasasakupan.
Bagaman nasa kanilang AOR ang 6th ID,layun pa rin nito ay upang maisigurong maging ligtas ang lahat ng mga residente mula sa 34 na baranggay kontra sa banta ng terorismo ayon pa kay DOS PNP Chief PCIns Lendsy Sinsuat.
Kaugnay nito mayat maya ang ginagawang surprise check point ng mga kapulisan sa DOS sa mga highway at liblib na bahagi ng bayan.
Nanawagan naman ng pag- unawa ang DOS PNP sa lahat ng mga motorista na bahagyang nababalam sa kani kanilang mga lakad bunsod sa pagsusuri na kanilang ginagawa.

Facebook Comments