DOST at 5ID, Lumagda sa MOPA para labanan ang Insurhensiya sa Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela- Lumagda ng Memorandum of Partnership Agreement (MOPA) ang 5th Infantry Division, Philippine Army at Department of Science and Technology (DOST) Region 02 sa pamamagitan ng video tele-conference para sa pagpapatuloy ng mga programa at proyekto na wakasan ang Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Ang nasabing paglagda sa MOPA sa pagitan ng 5ID at DOST ay pagpapakita ng kooperasyon, koordinasyon at pakikipagtulungan para matiyak ang ilang pangunahing social protection programs na maibibigay sa mga tao at mapagaan ang kanilang kahirapan, at pagkabalisa na nagpapalakas ng insurhensya, terorismo at kawalan ng batas.

Suporta rin ito sa pagsisikap ng gobyerno para sa pagbuo ng Whole-of-Nation Approach sa ilalim ng EO 70, pagkamit ng napapaloob at napapanatiling kapayapaan sa bansa.


Nakatuon naman ang DOST RO2 sa implemantasyon ng Community Empowerment Support sa pamamagitan ng Science at Technology na prayoridad ang mga lugar na apektado ng insurhensiya sa Cagayan Valley.

Inihayag naman ni DOST region 2 Director Sancho Mabborang na ang MOPA sa pagitan ng kanilang ahensya at 5ID ay nagkakasundo sa pagbibigay ng serbisyo sa mga komunidad mula sa mga hayagang paghikayat ng mga terorista sa ilang indibidwal, pagpapakalat ng propaganda at pananamantala.

Isa sa kanilang inihahandang proyekto ay ang pagkakaroon ng solar panels sa mga naninirahan sa Zinundungan Valley in Rizal, Cagayan.

Kikilos naman ang 5ID para sa gagawing koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGUs) para alamin ang mga apektadong lugar sa kanilang nasasakupan.

Magbibigay din ang kanilang pwersa ng seguridad at transportasyon lalo na sa mga malalayong lugar habang tinitiyak nila na ang lahat ng tulong ay maibibigay sa mga higit na nangangailangan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID, ang kahalagahan ng pagkakaisa sa lahat ng ahensya ng gobyerno para mapansin ang mga isyu ng tao.

Nakiisa rin sa nasabing paglagda ng MOPA sina TESDA Region 02 Director Jerry Pizon at DILG Region 02 Director Jonathan Paul Leusen.

Facebook Comments